Maligayang Pagdating sa Blog ng Tunay!

"There is truth and there are lies. And art always tells the truth. Even when it's lying." - John Malkovich

My Photo
Name:
Location: A Clean, Well Lighted Place, Rouge State, Slovenia

I'm no one.

Saturday, November 19, 2005

Share your Blessing, Spread the Virus

sinisipon ako. sinisipon ang mga kasambahay ko. sinisipon ang nanay ko. sinisipon ang kapatid ko. sinisipon ang kaklase ko. sinisipon pati aso ko. sinisipon kaming lahat dahil malapit na ang pasko!

palamig na ng palamig ang simoy ng hangin. nakatutulo ng uhog. malakas ang tukso ng yakap ng kumot sa kama. ako ay isa lamang tao kaya ang assignments & exercises, reviews for quizzes, advanced studies, plates, prelab reports ay hindi mahirap ipagkanulo. kahit ang deadline ay walang epekto sa maginaw na sandali kasiping ng naglalambutang mga unan...

perolinggonangayonatbukasaylunesna(naman)!walananamanakongnagawa?!
KUNDI MATULOG! MATULOG! MATULOG!

naiinis na ako sa sarili ko. tamad na tamad na tamad ako tuwing pagsapit ng taglamig! kahit yung limang librong nabili ko sa Press (salamat kay Sop, nabalitaan ko ang tungkol sa SALE), hindi ko pa natatapos at yung iba naman ay hindi ko pa nasisimulan. samantalang hindi pa naman nga ako nagbabasa lalo ng mga required readings (magandang excuse na yun kung sakali man). Na-short ako dahil sa pagbayad sa tuition kaya di ko pa napapakyaw ang mga libro ni JunCruzRyes. Pero hanggang December 16 pa naman ang SALE ayon dun sa babaeng cashier kaya may panahon pa para makapag-isip ng raket para makahiling ng dagdag-allowance. VAT, gasolina, tuition, pamasahe nga tumataas aba'y dapat pati allowance din dapat! (testing-testing.. kay itay at kay inay!)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home