maraming naiisip pero natatamad sabihin.
ganun lang ang dahilan kung bakit madalang akong magpost. hindi sa walang oras. marami ang pagkakataon at madalas din akong dumalaw dito. katunaya'y ito ang pangalawa sa binubuksan ko, sunod sa email. masarap kase magbasa ng utak ng ibang tao. kaya kung walang bago rito, gumagala ako sa blog ng mga kung sino. kaya lang nakakatamad din naman minsan kung puro kwentong pang-araw-araw lang nila ang nababasa. oh well, kaya ng blog e. blog! ambobo talaga.
maraming nangyari.
magulo ang utak ko. nung isang araw pa ako naghahanap ng katahimikan. ika nga ng aking paboritong manunulat, hindi katahimikan ang ibig sabihin ng pag-iisa. ako ang pinakahuling umalis sa aming magha-housemate. baka 'kako kase sa aking pag-iisa sa kwarto, sa paglalakad paalis at pabalik ng bahay, at sa pagpapaiwan para linisin ang pampublikong kubeta... baka lang kase makahanap ako ng katahimikan... bago man lang ako umuwi sa amin.
magpapasko na. ikatlong araw na ng simbang gabi. dalawang linggo na akong di napapadalaw sa aking paboritong lugar. marami na kaseng tao, at mahihirapan din akong magkaroon ng kahit saglit na katahimikan doon kung pupunta ako. gusto ko, ihip lang ng hangin ang gagambala sa aking pag-iisa doon. paboritong bahagi ko ng pagdiriwang doon ang pag-awit ng mga papuri. gustung-gusto ko ang blending ng piyano at mga nakakapanindig-balahibong boses. kaya nga dati naisip ko ring idagdag sa mga listahan ng pangarap ko ang mapabilang sa choir. mahilig kase akong maghanap o mag-isip ng mga pangarap na pwede kong ilista habang nakikipagsapalaran ako sa ang aking buhay. pero yung bolpen na ginagamit ko walang tinta. tiyak ko kaseng bawat pangarap na napupulot ko sa aking dinaraanan, mananatili lamang mga pangarap na magpapakapal sa aking notbuk ng buhay dito sa mundo. mula nang patayin ko ang isang mahal ko sa buhay, namatay na rin ang pangarap na bumubuhay sa aking pagkatao. kaya nga ako ngayo'y isang kaluluwa na lamang na umuupa sa isang katawang-tao na minsan na ring nabahiran ng mantsa ng poot sa kanyang nakaraan. ang pareho naming madilim na nakaraan ang bumubuhay sa amin sa kasalukuyan. subalit hindi ito ang dapat kong kinukwento.
so malapit na ang pasko. yey! dapat masaya, maligaya, natutuwa. DAPAT. pero bakit wala akong maramdaman, na kahit ano! emptiness. eto ba yung pakiramdam ng dementor's kiss? hindi. hindi ako manhid. masunurin ako sa aking konsensya. yun! yun lamang ang tangi kong maipagmamalaki sa aking buhay.
patuloy akong nag-iisa sa kalungkutan na hindi ko maipaliwanag. at sa kalungkutan ako pinakamahina, kaya parang sasakyang naubusan ng gasolina, ako ay hindi maka-istart sa biyahe ng buhay. buhay-estudyante. tama, buhay-estudyante dahil yun lang naman ang tinatahak ko ng labing-apat na taon sa aking buhay.
ang totoo'y mas madali talaga ang magreklamo kesa trumabaho. kesyo kung anu-anong palusot-kapilosopohan ang naisusuka ko sa buhay-estudyante. pero sa huli, pag naman nahimasmasan na'y ako rin ang lumalabas na talo dahil sa katamaran at kahinaan ng loob at sari-saring kapalpakan.
masama pala ang nasosobrahan sa pagmumuni-muni. araw-arawing magrepleksyon sa sarili at sa buhay, labas nama'y
nega. walang kwentang anak, walang kwentang estudyante, walang kwentang kamag-anak, walang kwentang kaibigan, walang kwentang ninang, walang kwentang kaklase, walang kwentang kagrupo, walang kwentang Kristiyano, walang kwentang nilalang! ano pang hinihintay mo, mahiya ka naman. ikaw na ang gumawa ng hakbang para mabawasan na ang mga mangmang sa mundo. sumama kay veronika. sumama ka kay holden. doon ka sumuot sa libro para hindi mo mamiss ang iyong paborito - ang mga taong nakapalibot sayo na pinagkukuhanan mo ng angst at drama mo sa buhay - at mapakinabangan ka rin bilang isang likhang-sining. kung karakter ka na sa isang libro, pwede kang basahin ng kahit na sino, depende sa panlasa ng mambabasa, at pagkatapos pwede kang suriin at pag-aralan. halimbawa, dahil
nega ka, syempre gagawin kang huwaran ng hindi dapat tularan. kontrabida ka. pero at least, may role ka. kesa sa dati mong aimless existence na daig mo pa ang mga garapata kung mamarasitiko ka. pero hindi rin dapat ito ang kinukwento ko.
dapat kong ikwento na masarap ang fettuccini sa induction ceremony/xmas party ng org na sinalihan ko, na masaya ako dahil nakatanggap ako ng fancy na smiley box para sa special award, at si Hesus (Jesus Christ Superstar) at Maria the Nun (Sound of Music) ang mga napili para sa best in costume. hindi ko alam na relihiyoso pala ang samahang pinasok ko. joke lang. masaya ako kase ako si maria the nun.
hindi pa rin talaga ako makagawa ng maikling kwento.
Emyly