SIGURO ay may kotse ka na ngayon... dilaw ang 'yong suot at buhok mo'y green...
MARAMING nagsasabi (ako) na bumagsak ang kalidad ng musika ng Eraserheads sa panahon ng "Bogtsi." Pero, kung iisipin, nang maglabas sila ng Xmas album (2nd year ko sa kolehiyo), dapat nahalata na natin ang parating na deklayn. Naitanong sa akin ng isang taong espesyal, bakit ba raw sila hindi magbalikan ay lagi na lang may tribute para sa kanila? Ibig sabihin: people want them, want them back, never wanted them to disappear. Ngayong nakapag-isip, ang sagot ko: para saan pa? Nakarecord naman ang kanilang mga kanta, copied na sa aking computer, meron pa akong back-up na pirata. Ang musika'y musika, hindi natin kailangan ang banda. O, sa madaling salita: mas mahalaga ang "Ang Huling El Bimbo" kaysa sa mga taong lumikha at unang kumanta nito.
MGA gusto kong bilhin: Graywolf anthology, libro ni Hirsch, 'yung collection ng mga patawang Amerikano, tsaka 'yung listahan ng pangalan.
MINSAN iniisip ko, gawa ako nang gawa ng listahan, bakit hindi ko na lang gawin? Bakit hindi ko na lang bilhin. Bakit, bakit, bakit... Pero naalala ko si Sarah Geronimo, at naiisip ko: "Why do I keep on asking why?" tas, wala na, wala nang problema, tapos na ang boxing. Gagawa na ulit ako ng listahan. Listahan sa tubig.
BIGLANG pumasok sa utak ko si Kristina. Kaya pala, malapit na ang Pasko. Bruhang 'yon, hindi man lang ako binabaan sa lektsur ni Sir Bomen. Nakita ba n'ya ako? May kasama s'yang kapwa tibak. Alam ko nakita n'ya ako. Bruhang 'yon. Ayos kaya ang kanyang selepono? Bahala s'ya sa buhay n'ya. Bruha s'ya.
NAKAKAHIYA akong kaibigan, lagi akong nakakalimot ng kaarawan. Si Chuck, tas si Amy... Hehehe. Patawad... :(
MATAGAL na pala akong di nadadaan sa blog ni Johnny. Nakakatawa, na ang mga dating magkakaibigan, ngayon watak-watak na. (Walang kinalaman sa isa't isa ang huling dalawang pangungusap ko.)
BUTI pa si Master Vedan, sa Amrika na titira. Ako, dito pa rin sa impyernong Pilipinas. Ayoko na rito, puro burak. Basurang bansa. Sabay-sabay tayo: "Pinoy ako, Pinoy tayo..." Sa totoo lang, wala talagang kwentang bansa ang ating bansa. (Syempre panggagagad lang ang talatang ito.) Pwera 'yung unang pangungusap. Teka, dapat pala sa parentisis ang mga pangungusap na 'to.
NAKAKATAWA, kasi merong friendster message ang ate ko na ngayon ko lang nabasa. Ano 'yun, sira na naman ang friendster? Sabagay, 'yun ngang mga friends ko e, pag kiniclick ko, wala raw kaming common friends, samantalang meron naman... 'Yun ngang isang friend ko, nasa 2nd degree friends list ko rin. Ang masagwa e 'yung ooffer-offer sila ng video capabilities, pero kung dial-up ka lang e forever naman bago mapanood. Sorry ha, hindi lahat kami nakacable (dsl, whatever). Whatever, whatever, whatever...
GUSTO kong pumunta sa Paris, tulad ni Vivian, gusto kong mag-aral ng Film. Hehehe. Sayang naman kasi, walang Film sa Mass Comm. Nagugutom ako. Actually, hindi. Kakakain ko lang ng choco cake. Sinarapan! Kumusta na kaya si Dumlao? Sana makita ko s'ya. Ok din 'yung meron kang matandang kaibigan, he (pwede ring she) will impart to you the wisdom of his (her) years. Of course, kailangang matanda talaga tulad ni Dumlao. Hindi pwede 'yung trentahin lang. 'Yang mga trenta, 'yan ang pinakasiraulong tao sa mundo. Kailangang kwarentahin, kundi, lalo kang masasalaula.
MABIGAT ang mundo. Mabigat. I mean, mabigat na ako ha, pero mas mabigat ang mundo. Sobra talaga, asin. Kanina dapat dadaan ako ng bookstore. Kaso, umatras ako. Kasi, wala naman akong pera. Nagkamali ako ng computation. Wala na akong pera, akala ko merong parating. Hihihi. Kumusta na kaya si Siriban? Graduate na kaya s'ya? Meron kaya s'yang bagong labas na zine? Kailangan ko nga palang itanong kay Dennis kung magkano 'yung nagastos nila sa folio ng Pantas.
MARYLAND, I'm coming home... Nyana nyana... Whatever. Hehehe. Private joke: cup cake. Hehehe. Hehehe. Masarap ang pakiramdam nang meron kang private joke. Kaya ok din 'yung magkunwaring meron kang private joke. Hwehe. Sino nga bang ginagawa ko sa hwehehe na 'to? Sino? Minsan, talagang napapatunayang siraulo ako. Minsan lang ha? Ewan ko, pero totoo. Whereever, whenever, whatever. Isn't that a song?
SIGE na. Aalis na ako. Paalam!
PS Punyetang friendster, sira na naman.
REMEMBER, mafriend, when we thought we could save the world? Remember when we realized we could only save ourselves? Remember when it was revealed that we couldn't even do that? Remember? No? I guess I don't either. (Naks, mali ang tense.) At walang sense. Nakakalungkot ang mundo. Minsan, sa bus, nakita ko ang kinamumuhian kong billboard ng Bibbo hotdog. Regular ko na 'yung nakikita, pero nung instans na 'yun, gusto kong sumuka. Nakakatawa. Asin, gusto ko talagang sumuka. Dati, hindi ko alam kung bakit. Ngayon, sa mismong sandaling ito, nalahad sa akin ang dahilan. Hahaha. Nakakatawa. 'Yun pala. Nakakatawa. Nakakaawa ang mga taong mababa ang tingin sa sarili. Nakakainis na malamang isa ka (meaning the writer of this piece) sa mga taong 'yon. Hahaha. Manonood ako ng Enteng Kabisote. Bakit ako sumasagot ng surveys? Bakit ako nagbablog? Para kausapin ang aking sarili. Wala akong makitang "The Vile Bodies" ni Evelyn Waugh.