Maligayang Pagdating sa Blog ng Tunay!

"There is truth and there are lies. And art always tells the truth. Even when it's lying." - John Malkovich

My Photo
Name:
Location: A Clean, Well Lighted Place, Rouge State, Slovenia

I'm no one.

Friday, December 09, 2005

masaya kahapon, malungkot ngayon

nakabili ako ng bagong libro sa FC kahapon. KAPWA, the self in the other: Worldviews and Lifestyles of Filipino Culture-Bearers ang pamagat, akda ni Katrin de Guia. wala naman talaga akong balak bumili ng libro. tumitingin tingin lang. pero ng makita ko ito, naalala ko iyong forum na pinuntahan ko noong nakaraang taon tungkol sa Sikolohiyang Pilipino. Marami akong natutunan mula sa forum na iyon at doon ko unang narinig ang librong ito. sabi ng may-akda, lalabas iyong ng taong ito. at sa FC ko nasilayan ang librong isinulat niya. tiningnan ko ang presyo, 300 pesos. 'di na masama ang presyo. napabili tuloy ako, dali dali akong nagtungo sa ATM machine ng landbank at nagwithdraw ng pera. masaya naman ako sa ginawa ko. natutuwa ako habang binabasa ko ang librong ito, nakakaramdam ako ng katuwaang maaaring magpaluha sa akin.
----------------------------

at ngayong araw naman, nagpresent kami sa klase tungkol sa Avenida Rizal bilang cultural landscape. maayos naman ang naging daloy ng ng report namin. dapat may kasamang video presentation kaso wala pa kaming pangpa-edit kung kaya to follow na lamang iyon. okay lang naman kay mam dahil 1st output pa lang naman namin ito tungkol sa napili naming lugar.

ayos na sana ang lahat, uwian na. pero may nawawala sa akin. ang aking jacket nawawala! ang jacket na bigay sa akin ng kapatid ko, na waterproof, na ginagamit ko kapag umaakyat ng bundok...nawawala!! sana maibalik pa. sa klase ko lang naman iyon naiwan. sana may nagtago lang at sana ay isauli pa sa akin... sayang iyon... nalulungkot naman ako ngayon...
------------------------------

-ycia

0 Comments:

Post a Comment

<< Home