Maligayang Pagdating sa Blog ng Tunay!

"There is truth and there are lies. And art always tells the truth. Even when it's lying." - John Malkovich

My Photo
Name:
Location: A Clean, Well Lighted Place, Rouge State, Slovenia

I'm no one.

Monday, December 12, 2005

"Pride ng isang estudyante, magandang pakinggan pero masakit subukan."

ang mundo ay batbat ng mananadista at pananadista.

anong nakakatawa sa matandang biyabit ng kanyang mabigat na dala-dalang bagahe?

mahirap bang maglakad ng marahan at maayos? mas madali bang sumiksik at mambangga ng makakasalubong sa daan?

mahirap bang itapon sa basurahan ang upos ng yosi matapos bugahan ang kapwa?

pag-aari ba ng isang pasahero ang buong pamasaherong dyipni kaya upong-prinsesa ang asta?

kapaki-pakinabang ba sa pamayanan ang paglaan ng kabataan ng kanilang oras sa harap ng kompyuter para maglaro at magchat at magblog?

sapat na ba ang pananahimik para sabihing hindi nanghihimasok sa mga usaping panlipunan?

paggawa na ba ng mabuti ang hindi paggawa ng masama?

isa lamang ang nais kong gawin sa oras na ito - ang humiga sa damuhan at makipagtitigan sa buwan. humiga. makipagtitigan. ako at ang buwan. sa damuhan. doon sa gawing walang taong malaki pa ang bibig sa kanilang mga utak. sa isang sulok kung saan sapat ang katahimikan para marinig ko ang aking konsensya. malayo sa ingay ng mundo. magdamag na titingalain ang buwan. tititigan, pagmamasdan, hahangaan. ang buwan. sa kanyang kinalalagyan doon sa kalangitan.

sira-ulo. hindi napapabuti ang pagkatao sa pagbabago ng pisikal na anyo. pa-artist. lahat kelangang magpanggap. madaling maging peke. wala nang praktis-praktis. bandwagon-bandwagon. ipokrita! may sarili kang bersyon ayaw lang ipahalata. kahit anong mangyari, ikaw ay ikaw. hindi ikaw siya. at lalong hindi siya ikaw. tingalain, alipustahin, tularan, kainggitan. iyak lang ang tanging katapat. ilang maskara pa? hangga't nabubuhay, gagawa at gagawa nang panibago at mas makapal pa. sana maging matibay din naman. kung hindi, nandyan ang pagkakataon. hindi lang sa mercury drug nagbebenta ng muriatic acid. marami sa supermarket. at hindi ka pa kelangang mag-autograph para sa PDEA.

malungkot malungkot malungkot. walang gamot. nahihiya nahihiya nahihiya. hindi sanay na transparent. panahon na yata ng pagbubukas-tabing. lumuhod sa asin at tanggapin ang totoong daigdig. hindi super. hindi hero. matuto sa pagkakamali. magpaakay sa nakaraan. tapos na tapos na tapos na.


Emyly

0 Comments:

Post a Comment

<< Home